Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 21, 2008

Nang Maligo Si Jose Rizal sa lawa ng Laguna

Gamot Ang Dasal Elemental
(Nang maligo si Gat. Jose Rizal sa pulo ng Talim sa lawa ng Laguna)

Isang batang nangangarap na marating ang natanaw,
Isang pulong inihugis sa matalim na balaraw;
Naliligid ng tubigang paralumeng pagkakristal
Na humatak sa isipang kanya itong pupuntahan.

Nang tumuntong yaong sakong sa aplaya ng Kalamba,
Nagbendisyon ang tubigan at siya ay pinagpala;
Tinundo ng espiritung katawan n’ya ang tinudla
Waring isang panagimpang sa diwa ay bumabadha.

Pupong gabing di matulog alaala’y nasa tubig,
Ang utak ay naglalarong malalim ang iniisip;
Isang gamot ang natuklas nang miminsang nanaginip.
Kapiling niya ang Diyos at sila ay sumisisid.

Lumalangoy na agapay yaong isdang tubig-tabang,
May ayungin, karpa’t dalag, biya, talilong at kitang,
Bulig, hito, at taguntong sinasalap nitong kamay,
Ihahaplos nang banayad na may dasal-elemental.

At isang bukang liwayway ang labit ay isang biwas,
Sumakay sa isang batel sa lawa ay maglalayag;
Pulong Talim ay nilibid nag-anyaya’y kalmang dagat
Sa dunggot ng amihanan doon naligo’t nagbabad.

Nang umuwi’y walang patlang ang k’wento niya sa ina,
Kung ano ang karanasang sa katawa’y nagpasigla;
Tubigang napakalinaw panlunas sa dinadalang
Kalungkutang hinahagod ng hapis ng alaala.

Mulang siya’y magtampisaw sa dunggot ng pulong Talim,
Namulat ang kanyang matang tinitiga’y salamisim
Nitong bayang Filipinas sakbat ang libong hilahil;
At sa dasal elemental nagliyab ang pluma’t papel.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: