Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 21, 2008

Ang Pusong Malala Ang Sakit

Maraming Kamay ang naghihintay sa kalawakan
Sa sandaling maghuhusga ang Ka-itaas-taasan.

Isang kaluluwa ang pumapailanlang ang katawan
Upang puntahan ang destinasyon ng kaniyang buhay.

Bawat Kamay sa kalawakan ay pumipigtal ng parte
Ng kaniyang katawan, bawat nakukuhang bahagi
Ay ikinakampay ng mga Kamay patungo sa Balon ng Buhay.

Doon huhusgahan at huhugasan ang nakakulapol
At naging kasalanan ng kaniyang katawan
Ayon sa ginawa niyang buhay.

Hanggang matira ang kaniyang nagdurugong puso.
Nang buntugan ito sa Balon ng Buhay, nakita ng mga Kamay
Ang hindi mabilang na bahid ng kasalanan.

Paulit-ulit itong hinusgahan at hinugasan ng mga Kamay
Subalit walang naging kahatulan at magandang lunas,
Dahil ang nagdurugong puso ang pinakamaraming sinaktang
Puso na siyang sanhi sa walang patlang na daloy ng dugong
Pina-agos ng hindi mabilang na umibig at nasawing puso.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: