Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 20, 2008

Nagpapahinga Din Ang Diyos ng Ulap

Nagpapahinga din ang mga diyos
Ng ulap. Nagpupulitana’t tong-its,
O kaya’y nananabako ng upos;
Kapag walang hanging pumapalangit.

Kaya nahihimbing ang mga hangin
At di umiikot ang uli-uli,
Nagtatampisaw naman ang buhangin
At nag-iinat naman ang bahaghari.

Ang mga diyos ding ito ang tanging
Nagtatago ng hininga ng tubig,
At walang nanganalong katunggali;
Dahil sa mga matang malilisik.

At sa pagbangon ng naturang diyos,
Asahang ang Pliyades ang natutulog.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: