Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 16, 2008

Panagimpan Sa Laot

Makulilim ang panahon nahihimbing ang habagat,
Hinahablig ng amihan ang regatang naglalayag;
Naninisid ang kanaway ng ayunging malalapad
Sinasalpok nitong alon ang diwa kong nangangarap.
Ang Maninimon ng bangka ang mata ay nagmamatyag,
Sagap ko ay hanging hinog dumadapyo sa ‘king balat;
Isinilid sa dibdib ko ang lamig at halimuyak
Tanaw ko ang kabundukang nagpapalis ng bagabag.
Ang antok ko’y namamalsang paghikab ang humahatak,
Nang maidlip ang isipan ang katawan ko ay hubad;
Ako daw ay nagtitimbol at ang lawa’y niyayakap
Namamangka ang puso kong kaydaming inaapuhap
Na gunita ng nagdaang matiyagang hinahanap
Hanggang ako ay magising panaginip palang lahat.

Sa laot ng lawa ng Laguna
Sa isla ng Talim
Alas tres ng madaling araw
Enero 17, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: