Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 14, 2008

Kalatas Sa Mananakag at Tsismis ni Rio Alma sa Panday Wika

Kalatas Sa Mananakag
(Sa Pritil ng Bayan ko)

Sa lahat na Mananakag
Ng hipon, tilapya at ayungin
Na taga isla ng Talim sa lawa ng Laguna,
Doon sa bagong ipinagawang
Erya ang inyong duungan at takalan.
(Malaki ang nagastos dito ni Meyor.)

Ipugal ang bangka nang maayos,
Huwag magtapon ng bulok na isda
Sa tubig upang maiwasan ang pangangamoy
Ng ating paligid na nasasakop ng pantalan.
(Sobra na sa baho ang ating pritil.)

Huwag ipipikit ang mga mata sa pagtatakal—
Maraming sakadorang sobrang manlalamang.
Huwag magpapa-akyat sa bangka ng mamamakaw
At baka kayo masalisihan sa bakol at banyera.
(Hindi namin makontrol ang putragis na magnanakaw ng isda.)

At huwag ninyong kalilimutang magbayad
Ng taripa sa engkargado ng konsignasyon.
(Para umunlad ang ating nalulunod na bayan.)

2. Tsismoso Ang Panday
(Tsismis ni Rio Alma)

Raul Funilas Enero 15, 2008

Heto ang wika ng pantas:
“Opisyal o kumon, tawag
Sa panday ng Filipinas—
Ayon sa nabasang aklat.

May panday oro, may panday
Diwa, panday bakal, bahay,
At kung anu-anong panday
Na dinala sa tanghalan.

Ang taguri’y panday wika
Sa laksa ang talinghaga
Ng makakati ang dila’t
May bumabahong bunganga.

Basang labi’y nanunulay
Ang litanyang lumilinlang
Sa tenga ng kahuntahan.
(Na walang katotohanan.)

May antenang pang-ulinig
Sa lansangan ng paligid,
Ihuhulagway ang ibig
Na ibubuga ng bibig..”

Dalit ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: