Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 13, 2008

Sa Quezon Avenue Humahapon Ang Ibon

“Sa Kalsadang nagmumura
ang kalapating dala na—
h’wag bibili ng ligaya;
dahil ang sukli’y pangamba.”

Isang dapithapong malambot ang moog
Na yapos binalot ang kalsadang lipos
Yaong kasikatan sa ibong nagyupyop
Na ang labi’t kilay ay tadtad at balot
Ng bawigang lantik at kinang-alindog.

Dagliang dinayo’t sinubok magbitag
Ng Lalaking Sabik mahuli ang lipad
Ng dinayong ibong sabi’y magigilas
Ibuka ang pakpak sa pilak ng pantas.
(At sa kanyang umang biglang may umangkas.)

Nilagom ang gabi at walang natirang
Ni munti mang lakas sa ibong Mayana
Na ang laging bulong ay ang gintong hawla
Na kanyang nakita sa lantay na bulsa.
(Panay ang pangakong huwag mag-alala.)

Lumipas ang linggo sa Lalaking Sabik
Na biglang dinalaw nitong pag-iisip
Sa nararamdaman sa gitna ng singit.
At nagunita n’ya ang ibong kaniig.
(Ang sukli’y pangamba sa loob ng dibdib.)


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: