Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 10, 2008

Mulang Sinapupunan Ng Hangin (Isang Mensahe)

Alam mo ba kung bakit
Gusto ko laging mag text
Tayo pag nagising?

Para sa akin, ang text ay katumbas
Ng isang masuyong halik.

Tulad ng halik na iginagawad natin sa isa’t isa
Tuwinang tayo ay mapapadilat mula sa pagtulog.
Ito’y tanda rin ng pag-alaala natin sa bawat isa.

Magkalayo tayo kaya’t gusto ko
Alam ko kung matutulog ka na,
Upang alam ko kung paano kita iisipin.

Ang text ay isang paraan upang ipadama
Na ako’y narito para sa iyo.
Tulad ng isang ngiti,
Isang haplos,
Isang kaway.

Malayo tayo sa isa’t isa at ang text
Ang nagdurugtong sa ating pagitan,
Parang hawak sa kamay.

Kaya’t sa dalas
At dalang ng text ay masusukat
Kung gaano kahaba o kaigsi
Ang kawalang nakapagitan sa ating dalawa.

Nais kong panatilihin ang palagiang pagti-text
Upang hindi humaba ang pagitang iyon,
At tuluyang tayo masanay na mawala
Ang isat isa sa ating buhay.

Tulad rin ng isang halaman,
Ang pag ibig ay dinidilig,
Inaalagaan.

At ang text ay tulad nang madalas
At pinong wisik na mas nais ng mga ugat nito
Upang sumibol ng malusog at matibay.

Di tulad nang minsanang buhos ng ulan
Na nakalulunod,
Nakamamatay.

Lab u… kahit ako lang ang laging nagmamahal.

Ako lang ito.

Tikin sa Bukal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: