Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 9, 2008

Nakita ko lang sa googles ‘tong litanyang ‘to ni santongbusabos

Re: the identity of the writer
Posted by santongbusabos on 2007/9/10 2:39:27
magagalit ang mga taga-ibang lugar niyan kung ipipilit na tagalog ang wika, para sa istardanisasyon, filipino na ang dapat gamitin.

kung nakinig kayo ng rocked radio mga dalawang linggo na ang nakaraan, naging makabuluhan ang usapan tungkol sa wika. lalo na pati sa mga tinatawag na siyokoy na mga salita. kahit sa site na ito, marami akong nakikitang siyokoy na salita pero di ko na winawasto tulad ng ‘natutunan’ at ‘imahe’. bakit naging siyokoy ang mga salita, dahil kinalimutan natin kung ano ang pinakabatas ng wika. halimbawa yung sa ‘imahe’, dahil walang katumbas sa kasalukuyang panahon ang salitang ‘image’ ay ginamit natin ang direktang pagsasalin nito mula sa ingles — yung ‘g’ pinalitan na lang ng ‘h’, na kung tutusin naman batay sa hierarchy ng wika ng pagsasalin kailangan dapat isaalang-alang kung alin ang mas naunang salitang napunta sa atin. bago ang ‘imahe’ may salitang espanyol na ‘imajen’ (o parang ganyan) na ang kahulugan sa ingles ay ‘image’.

balik tayo sa usapan ng thread (wala pang direktang katumbas ito maliban sa sinulid), yung mga idiom, maganda ngang balikan yan dahil sa ito ang magpapaalala sa atin kung anong identitad tayo. pero sa palagay ko buhay pa rin yan hanggang ngayon tulad ng mga salawikain.

patungkol naman sa short stories, sa palagay ko kailangan isaalang-alang pa rin ang tagpuan. tingnan na lang yung gawa ni Jun Cruz Reyes, dahil urbanisado ang mga tauhan niya dahil lahat sila lumaki sa mga sulok ng lungsod. kumbaga, ang mga tauhan niya’y mga siga sa kanto, mga teacher enemy number 1, o di kaya tamang pag-aangas lang. (ito yung mga kuwento niya sa utos ng hari atbp). kung ilalagay mo ang mga tauhan ni Jun Cruz Reyes sa isla ng Talim sa may Rizal, ewan ko na lang kung papatok yang gawa niya. dito naman nagkaroon ng kabuluhan ang kuwento ni Tata Raul Funilas na taga isla ng talim sa akda niya sa antolohiya ng kawad ka amado. sumakit ang ulo ko sa pagiging matulain at malalalim na salitang tagalog na ginamit dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon. kung tutuusin nga, ang mga makatang tulad nila Bobby Anonuevo at Tata Raul Funilas ang mas lalong nagpapalalim sa salitang tagalog. hinahalukay nila ang mga salita ng mga karpintero, mangingisda, magsasaka sa iba’t-ibang panig ng katalugan at nagagamit nila ito ng mahusay na animo’y mga native speaker sila ng mga salitang ginagamit nila. sa kaso naman ng ilang city boy/girl na mga makata tulad nila Pete Lacaba, ayus lang yun dahil yun naman ang kinamulatan niya.

isang problema pa rin ang paggamit ng mga salitang malalalim sa ibang mga taga-siyudad. hindi lang basta may diksyunaryong filipino ka na gawa ng UP o inedit ni Virgilio Almario ay sapat na para gamitin ang mga salitang ito. bawat lugar kasi may iba’t-ibang kahulugan sa isang salita, bawat lugar may iba’t-ibang punto ng paggamit ng mga salita. kaya kailangan pa rin isaalang-alang kung ano-anong salita ang dapat gamitin.

yay, ang haba ng dinadada ko, ito lang naman ay pagsusuhay sa sinabi ni HTN tungkol sa kung gaano ka-underdevelop ang paggamit natin sa ating mga salita/wika/lengguwahe/diyalekto/kaisipan/identidad-Filipino.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: