Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2008

Libuao Lake (Paglipas ni ka Ezzard Gilbang)

Isang Paraisong nais kong malangoy,
Sa humbak ng alon ay doon magtimbol;
Upang takipsilim nitong dapithapo’y
Manungaw sa puyo ng lawang may biloy.

Kaygandang ililok sa diwa’y isilid
Ang kislap-kilapsaw sa mata ng tubig
Doon sa Mindorong tagong Libuao Lake
Nais kong marating, ito’y makaniig.

Inilarawan ko sa aking gunita’y
Isang Paraisong sinadya’t nilikha,
Kung sinong lumalang sa magandang lawa’y
Maraming salamat isa kang dakila.

Enero 8, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: