Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 16, 2007

Sabsaban

Mabaho ang Lumang Sabsabang sinilangan ng Sanggol.
Dito niloob nina Ina at Manggagawang Siya ay iluwal
Upang hindi matunton ng mga alagad ng makasariling hari
Ang sinasabing Sanggol na magiging Hari ng mga Hari.

Higit na bumaho ang Lumang Sabsaban nang dumalaw—
Lahat ang uri ng hayop na lugod nagpugay sa Sanggol.
Mas lalong pinabaho ng tatlong hayop na sinakyan
Ng Tatlong Haring nakakita sa talang ubod ningning.

Makaraan ang libong taon mulang lisanin nina Ina,
Manggagawa at Sanggol ang napakabahong Lumang Sabsaban.

Iniwasang bumaho ang binihisang makabagong sabsaban,
Iniwang lahat ang alaala ng napakabahong Lumang Sabsaban

Pinabango ang makabagong sabsaban,
Kuntodo de aircon ang kabayo, aso,baboy, pusa,
Matsing, gorilya, tigre, liyon, ahas, sawa at limatik.
Mabango ang dugo’t karneng pagkain ng mga linta’t buwaya,

Madidingas ang kutitap ng ilaw sa makabagong sabsaban,
Iba’t ibang kulay:

May alanganing dilaw,
Mapanudyong lungti,
Manibalang at tagipos ang puti.

Matingkad
Ang pula.

Sa gawing kaliwa’y
Nagluluksa ang itim.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: