Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 16, 2007

Luoy

Lagi akong nakatanaw sa namanglaw ninyong Paraiso,
Upang malaman ko ang naganap sa harding walang bango.
May bahid ng lungkot ang talulot ng laksang bulaklak,
Unti-unting nanilaw, nalanta hanggang sa malagtas—
Higitin ang huling hibla ng himutok na hininga…
Ang Bulaklak sa Paraiso, humagdan ang luhang sagana.
Anong lupit ang dampi ng katotohanang naganap sa inyo Bulaklak,
Na ang harding sinadlaka’y may naghangad na kayo ay mapahamak;
Gumurlis sa inyong nektar ang patakarang hindi pantay ang pagtupad
Bubuyog at paruparo ang tampalasang sumira sa hardin ninyong pagkalawak.
Umungol sa pagtutol ang inyong dahon sa nag-udyok ng kasawian,
Lumatay na latigo ang balabal na sumaklob sa natirang kahinaan;
Ang iba ay niluluray, hinahalay, sinisipa’t binibigti ng tampalasang
Kahirapan. Saan kayo paroroon upang ang lahat nang ito’y maligtasan?
Lumaban kayo! O, Bulaklak sa Paraiso. Gamitin ay yaong tulis nitong sanga,
At tusuking masakit ang pumikit at nagpariwarang mga mata;
Kagandahan ninyong iningatan nang matagal ay karangalang ibandera.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: