Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 13, 2007

Aking Lawa

Ang lawang Laguna
Ang aking salaming
Laging may halina—
Kalinawang angkin.

Aking paliguang
Pangbanlaw ng hapis
Tuwing namamanglaw
Ang aking pag-ibig.

Ang aking liwanag
Sa bukangliwayway
Tuwing umaangat
Ang ginintong araw.

Aking tagakupkop
Sa laksang biyayang
Lumangoy sa agos
Na kulumpong isda..

Ngayo’y nalimutan
Ang latag na ganda,
Mula nang tumamlay
Ang dati n’yang sigla.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: