Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 12, 2007

Salaysay Ng Panabong

Umuwi ako sa pulo ng Talim kahapon
At nakahunta ko nang magdarapithapon
Ang pinsan kong mahilig sa pagsasabong.

Lahat ay ibinida, pati ang pagtilaok
Sa umaga, ang pagkahig at pag-uulot
Sa laban at paano ang magandang salpok.

Matapang daw ang manok na binabae
Kapag ang tinutuka ay malaking bulate.
(Kasabay ang paminsan-minsang pagngisi.)

Mabuti pa raw ang manok ay maging duwag
Kaysa matapang dahil ang manok na malakas
At matapang ay may tali at isinisilid sa rehas.

Samantalang ang manok na duwag ay nakagagalang
Malaya kahit saan man magpunta at nakapanunuka
Ng gustong katyawing dumalaga o kahit na nadala.

Disyembre 14, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: