Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 12, 2007

Palipod*

Balang-araw, sana’y kanilang malamang
Ako’y may naipong palipod sa tubig
Na aking binalsa saka isinagwan
Sa dalampasigang ang alo’y may awit.

Aking sinurutso’t hiniklat pabiyak,
Inalimang itak, kinayas, dinanlay;
Kayakas palipod ay ginawang papag—
Upang pahingahan ng hapong katawan.

Sintibay ng balong paikot ang agos,
At kaminong landas ng huklubang sakong;
Hindi makapitan ng atangya’t bukbok
Dahil sa kinupkop ng kalmanteng alon.

Wala nang makitang palipod sa lawang
Pagaspasang isda’t kadluang biyaya.

* tulos o kawayang nabali at nababad sa ilalim ng tubig.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: