Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 10, 2007

Salaysay Ni Rio Alma Sa Paraluman

Sintanda nang nahukay na lawa ang sinasabing paraluman.
Walang naitalang kasaysayan maliban sa isang salaysay
Sa akin ni Rio Alma: “Hango iyan sa isang maliwanag na ilaw
O iyong sinasabing walang kaparang liwanag na halaw

Sa lumen o kislap at kauri, walang kaparang ningning
At lumao’y ginamit sa bawat maganda. Sinasalamin
Ng bawat dalagang may hitsura ang bansag na paralumen
Hanggang sa mapalitan ng paraluman.” Ginising

Ni Rio Alma ang aking kaalaman sa namumukod
Na paraluman. “Walang naitago o naibukod na buklod
Na hugis o hitsura ng paraluman.” Dagdag pang sagot.
Mula noon, ang katanungan ko’y himbing nang matulog.

Disyembre 11, 2007
Kolehiyo Ng Arte At Literatura
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: