Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 10, 2007

Ang Mago

Sinundan ko ng tingin ang maningning na bituin
Dahil sa pahiwatig nitong may isang dadakilaing
Batang isisilang sa sabsaban ng bayang Herusalem.

Kinahunta ko ang dalawang Mago upang mag-alay
Kami ng aginaldo sa isang Mesiyas na takdang isilang,
At tinalunton namin ang isang natanging paraluman.

Mula noon, ilang libong dahon ng panahon ang lumipas,
Hanggang ngayo’y patuloy ninyong inaani at binabakas
Ang sinimulan naming tatlo—ang Pasko ng libong galak.

Ilang araw na lamang at darating ang Pasko,
Sana ay maalaala ninyong may Tatlong Magong
Laging nakatingin sa tatlong butas ng Sakromadero
Ni Kristong naghila ng hilahil sa pilapil ng tao.
Si Kristo, ang binansagang pinakamahabang hayop sa mundo.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: