Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 7, 2007

Hanapin Mo Ang Puntod Ng Kalikasan

Hanapin mo ang aking puntod sa Timog.
Bumilang ka ng isang libong hakbang
Bago ka tumingala sa himpapawid.

Sakaling matanawan ang alapaap
Na papuntang kanluran,
Hubarin mo ang iyong damit
At bababa ang isang Lawinsunsong
Upang isakay ka sa kaniyang likod.

Habang hinahampas ka ng hangin sa paglalakbay,
Suyurin ng tingin ang kalupaan at aninagin
Ang bakuran ng luma at bagong puntod.

At kung makakita ng isang puntod
Na walang pangalan at walang Krus,
Bumaba ka at ilagay ang itinago mong pangalan
Upang hindi nila makilala ang tunay kong pagkatao.

Ako na iyong ama sa sinapupunan ng kalikasan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: