Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 2, 2007

Talumpati Kaya ‘To”

Ang mababasa ninyo ay nakita ko lang sa internet at di alam kung sinong nagpost nito, subalit alam kong nakita ng dalawang mata niya ang aking Ulikbangon.

Alam niyang habang ako’y naka-aamoy ng lupa ay hindi puwedeng mapigtal ang aking hiram na hininga, kamuntik na nga akong malagot, dahil nakalimutan kong ibulong sa Ulikbangon na kailangan ko ang kaniyang tulong…buti na lang may lupa akong naamoy.At ang sinasabi niyang nahuhumaling sa akin ang mga kakabaihan…palagay ko e joke lang niya iyon. Dahil wala na sa akin ang panyolitong puti ni lelong, ibinaon ko na ito sa baul ng aking ginawang bibinga mulang makita ko ang isang adang nagpatigil sa pagkunday ng panyolitong puti.

Sa ngayon ay malakas na ako at patuloy pang lumalaki este lumalakas. Kahit nakatatlong butas ang katawan ko e, awa ng Panginoon ay buhay pa at muling tutula.Dahil nasa pagtula ang puso ko at diwa.

Kung sinuman ang umakda ng nasa ibabang mababsa ninyo ay maraming salamat po.

Tula nang tula!

Tata

Isang hindi katanggap-tanggap na larawan Aug 2, ’07 8:33 PM

Si Tata Raul, siya ang larawan ng gigolo, pamilyado siya pero ang lupit ng *ulikbangon niya. Ang mga kababaihan ay nahuhumaling sa kanya, sa kung anong dahilan, hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.

Si Tata Raul, isang likas na makata. Ang mga salita niya ay hinugot pa sa baol ng lelong niya. Hindi mamatay ang salitang Pilipino hangga’t nariyan siya upang buhayin ito.

Subalit si Tata Raul, ang aking ama amahan pagdating sa tulaan. Ang taong nagengganyo sa akin upang laliman ang aking kaalaman sa pagtula ay ngayon isang larawan na ng lumilipas na panahon. Mahirap tanggapin, pero kagabi, tumambad sa akin ang isang katotohanang kailanman ay hindi sumagi sa utak ko.

Kakaopera lang kay Tata, Pinutol ang bituka n’ya dahil may nabubulok na raw na bahagi. Hindi ko nakuha ang pangalan ng sakit, pero dalawa sa isang daan lang daw ang tinatamaan nun. Sabi nga ni Tata kagabi, malas at siya pa yung isa sa dalawa. (Nga pala, kapitbahay niya raw yung pangalawa.)

Nalungkot ako nang marinig ko ang boses ni Tata kagabi▬Mahina, malumanay, malungkot. Wala na ang dating pang-balagtasang boses at tindig. Ang kamay niya na malalawak ang kumpas ay halos lagi lang nakawak sa butas ng tiyan niya. Oo, butas ang tiyan niya. Hindi pa isinasara ang sugat ng operasyon dahil ooperahan ulit matapos ang isang linggo.

Ang ikalawang operasyon ang inaalala ni Tata. Kahit pa nakangiti at nagbibiro si Tata tungkol sa ikalawang operasyon, kitang kita sa mukha niya ang pagkabalisa. Sabi raw kasi ng doktor, ito ang pinakamaselan na operasyon. Nakasalalay daw ang lahat sa ikalawang operasyon▬ang lahat…hindi ko na inintindi ang sumunod pang sinabi ni Tata, dahil ayoko marinig ang mangyayari kapag hindi maganda ang resulta.

Mamya, babalik kami sa bahay ni Tata. Gusto niya na magdala kami ng tula. Pero ayokong gumawa ng bagong tula. Ayokong tumula ngayon dahil alam ko na kalungkutan lamang ang dadaloy sa aking isip at pawang masalamuot na salita ang isusulat ng aking mga daliri.

Mamayang gabi, dadalawin ko si Tata, dala ang mga tula ko na luma. Mga tulang puno ng kasiyahan at pag-asa. Mga tulang inayos niya nung mga panahon siya pa si Tatang gigolo.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: