Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 25, 2007

Ayon Sa Matatanda

Kasabihang lipon sa dulo ng dila,
Nitong kasaysayang lipos na tumanda;
Totoo ang wika’t ito ay natalang
Walang kapusyawan yaong talinghaga.

Unang halintulad natin ay ang alon,
Ito ay mababaw kapagka mahugong;
Ngunit kung tahimik magdamag, maghapon
Paka-asahan mong malalim na balon.

At ang ikalawa’y matayog na bundok,
Kalmante ang hangin kung ulap ay yapos;
Ngunit pag nagbanig at dito’y sumaklob
Asahang sigwada’y hagok ang pagbuhos.

At ang katapusa’y ang manok na tandang,
Magaling sa kanya ang hindi matapang;
Dahil sa malaya at nakakakatyaw
Sa puya’t hapunan nitong kamaligan.

Ngunit kung matapang may tali ang paa,
Upang paghandaan ang tari at r’weda;
Sa kulunga’y pinid nang sa pagratsada’y
Mabangis na tigreng hahamig ng k’warta.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: