Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 22, 2007

Hayuma

Sa tuwinang umuuwi ako sa lawa, matagal akong nagdarasal sa bangka
Na sana’y muli kong madaanan ang mga maglalayag o mangingisdang
Ang mga anino’y hinahaplos ng dayaray at mga along sumasalamin
Sa nagdurugong kalangitan upang tanawin ang palubog na takipsilim.

Nagsasanib sa kanila ang asin at pawis ng maghapon,
Namumugto ang puklo ng kabundukang kinakandong
Ang yumayakap na bumabalumbong ulap. Maglalayag
Na araw gabing hinahayuma ang nawarat na lambat.

Matagal na akong nananalangin.
Sana, sa mga darating na dating takipsilim,
Wala nang lambat na masisira
Sa nasisirang pusod ng lawa.

Kinalawkaw ko ang tubig
At kumapit sa akin ang banlik.

Nobyembre 23, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: