Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 19, 2007

Kalot at iba pang Haiku

KALOT*

Si Lazaro kang minasid
Nang nabubuhay kong litid
Bakit ka ba nagpuputa’t
Saan ka pupunta ada?

Lastag na katawa’y bilad
Sa daigdig na nag-inat,
Nabusog ang mga matang
Tumanghod ang pagnanasa.

Ay! Hitad kang mananayaw
Sa tanghalang kasalanan.

Enero 24, 2006

*hubu’t hubad

Libro

Ang bawat dahong
Binuklat ay lumambong
Sa aking layon.

Bilmoko

Gaod nang gaod
Sa pusod nitong laot
Ang walang suksok.

Hambog

Iyang ilawang
Walang tinatanlawa’y
Ulilang araw.

Orasan

Ang iyong tunog
At patuloy na ikot
Ang nagpabantog.

Kamera

Mga lagitik
Mo’y may hakab na hugis
Sa iyong isip.

Bunyag

Bawat pilantik
Ng bibig mo’y malirip
Na may naipit.

Sinungaling

Kaka’y kaingat
Sa wikaing matalas
Na sumusugat.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: