Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 18, 2007

Parang Ulan ang Buhay At Paglubog Ng Araw

Parang Ulang Pumapatak Ang Buhay

Raul Funilas
09 Mayo 2006

Nagising ako kanginang madaling araw,
Dahil sa animo’y batong patak ng ulan
Sa bubungan ng bahay. Pinagsalikop kamay
Lamang at isinaulong patihaya sa unan.
Mga dayaw ng ibon ang aking napakiramdaman,
Sila’y masayang nanunuka ng bunga sa malabay
Na duhat. Ang patak ay may segundong patlang.
Naisip ko, ilang taon na nga ba ang nakaraan?
Tatlong dekada na pala mula nang bungkali’t taniman
Ang bakuran. Bumangon ako’t nanalamin, may ubang
Pilak akong naaninaw sa buhok. Ay! Parang kailan
Lang. Isang mahalagang bagay ang puno sa buhay
Ng tao. At maging sa ibong nagsasalimbayan
Ang lipad sa araw-araw hanggang doon sa kanluran.

Paglubog Ng Araw

Raul Funilas
09 Mayo 2006

Pumupuslit ang liwanag
At maghapong lalagalag,
Gugulati’y itong ulap;
Lilinlangin yaong dagat.
Uuhawin ang lungtiang
Bundok, tudla’y lapad-parang.
Ohales kang dumadarang
Giya mo ay ang amihan.

Nilalandas mong tahimik
Galawgaw na himpapawid

At mapayapang hahalik,
Romansa’y kanlurang sibsib.
Ang magdamag mong pagtulog
Waring buwan ang tumampok.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: