Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 15, 2007

Paghihiganti (Ghazal Poem)

Naghasa ng itak ang damdaming api,
Niyurakang dangal gustong maiganti.

Diwa’y tiim-bagang may sulak ang galit,
May yurak na dangal, ang isip: Iganti!

Hindi namalayang humagdan ang luha
Sa yurak na dangal. Lintik! Walang ganti!

Malalim na hinga’y hinugot sa hangin
Ang hikbi. Yumurak sa dangal, gaganti.

Aldabis ng taga’y isang buhat-araw
Yumurak sa dangal. Ang paghihiganti!

Inutang na hinga’y tinibang bumagsak,
Yumurak sa dangal, nakapaghiganti.

Nobyembre 16, 2007
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: