Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 14, 2007

Tulang galing Arabia

Re: [KAMAKATAHAN] Re: kamakatahan : Salamat Paul Pruel./ Sa Ngalan ng Pagkakaibigan

‘Di Ka Matularan Tata Raul

Malugod kong tinatanggap
Na makapiling sa palitang
Lipad-titik ang magaling
At mahusay na manunula…

Ang bisyo’y ang paglaruan
Ang mga salita’t hanapin
Ang mga piling-piling kataga
Na tutumbok sa kaniyang diwa…

Tata Raul, taglay mo’y pag-ibig
Na pinapangarap ng bawa’t isa
Ika’y tanikalang mag-uugnay
Na mapanatili ang samahan…

At ang tamis ng pagkaka-ibigan
Dito sa mundo ng Kamakatahan!

“Roberto D. Arcena” wrote:
Para kay TATA, itong dahilan :

Marami ang humahanga,
kay rami ding pumupula.
kay alamid ng desierto;
sa bayan ng banyaga.

Marami ang nagtatanong
sino nga ba si alamid ?
may lihim bang tinatago ?
O takot na mapaibig ?

Duwag daw si alamid
sabi ng isang awit;
siguro ay pangit ,
tira ng makukulit.

Piniling kong manahimik
para issue ay mawala;
dahil ang bangayan,
tila mandin lumulubha.

May sundot ang tagahanga;
huwag pansinin mga kumukutya,
basta galingan lang pagsulat
nitong tula.

Pahiram tata sa iyong winika ;
tula lang ng tula para maging dakila..

alamid ng desierto/ Riyadh./Kaharian ng Arabia.

—– Original Message —–
From: tataraul1968
To: KAMAKATAHAN@yahoogroups.com
Sent: Wednesday, November 14, 2007 2:51 AM
Subject: [KAMAKATAHAN] Re: kamakatahan : Salamat Paul Pruel./ Sa Ngalan ng Pagkakaibigan

Sa Dalawang Magka-ibigang Karnal Sa Lupain Ng Langis

Baka p’wedeng makilahok
Ang makatang sampay bakod,
Sa usapang ubod lugod
Ng dalawang kumakayod

Sa bansang yaman ay langis.
Tila ba kanais-nais
Ang palitang lipad-titik,
Nang upang aming mabatid;
Kayo pala’y may pag-ibig

Namahay sa kalooban.
Maganda ang nasimulan
Ninyong pagkaka-ibiga’t
Pagpalain ng Maykapal.

Sana sa pag-uwi ninyo
Galing sa bansang dinayo’y
Kumapal ang pag-asenso’t
Makagawa ng palasyong

Sa paligid ay damakmak
Kamakatang bumibigkas
Ng tulaing panghimagas
Ng diwa ninyong naghirap.

— In KAMAKATAHAN@yahoogroups.com, paul pruel wrote:

Sa Ngalan ng Pagkakaibigan
Ni Paul Pruel

Paga-alinlangan ang una kong naramdaman
Sa pangamba na baka kayo ay makulitan
Nguni’t siya’y nagpumiglas sa aking isipan
`Di ko na-awat at siya’y aking pinakawalan…

Sa tulong ng balangaw na aking nasilayan
Na kumikinang sa mukha ng kalangitan
Nasungkit ko ang lahat na aking kailangan
At sila’y nananatiling buhay sa aking isipan…

Maliban kay Patnugot at ang ibang staff
Ng PX, ikaw, ako – tayo lang ang sa
Palagay ko ang nakaaalam, sa likod
Ng sagisag na Alamid ng Desierto…

At sa ngalan ng pagkakaibigan
Magandang araw sa’yo kaibigan!

Gumagalang,

Paul Pruel
Riyadh, KSA
Nov. 13, 2007

“Roberto D. Arcena” wrote:
SALAMAT PAUL PRUEL
Ni:Alamid ng Desierto

Unang letra ay Resurection,
Hango sa banal na pasyon;
ERE and tunay na layon.
Ngalan ko’y walang lason.

Maginoong medyo bastos
Sa baraha’y walang puntos,
Kahit kamay namamaltos,
Sa pagtula’y di pa laos.

Maraming ulo ang sumakit,
Ng basahin itong awit.
Wangis mo’y ay si sherlock
Na mahusay na detektib .

Desiertong walang langit,
Ang tahanan ni Alamid !
Sa umaga’y ay ka’y init;
At sa gabi’y anong lamig.

Ang ngalan ko’y isang lihim,
At kanlungan ang bituin !
Tugis ng mga Ebang ;
Pag-nahuli’y ibibitin..he he .

Ni-Alamid ng Desierto /12 Nov 07/Riaydh


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: