Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 13, 2007

Pasko Na

Anak Ni Huse Ang Mesiyas

Panday akong matuwid at lingkod ng Diyos
Nang malaman kong naglilihi ang aking nobya.
Matagal kong tinitiga’t kinausap ang aking martilyo,
Lagare, katam at pait. “Naganap ito? Paano?”
Pakakasal kami sa Paskuwang susunod,
Lihim ko Siyang hiniwalayan . Gabi, ang mata
Ko’y binuksan ng isang liwanag at narinig
Ko ang matinis na tinig ng Anghel sa langit.
A… aking Amang makapangyarihan sa lahat,
Salamat at ako’y ginamit Mo sa pagsilang ng Mesiyas.

Tumbalik Ng Pasko

Ang kupas na kopas
Ay sakop ng Pasko.
At kapus ang sapok
Ng puksang pumasok
Sa pukas na daan.

Ang Matandang Panauhin Sa Bangka

Hatinggabi,
Namamalakaya ako sa laot ng lawa,
Salinukang humahablig ang salikwaang hangin;
Unti-unting bumabangon ang nagising na alon
At sumasampang pilit sa aking walang tilas na bangka.

Mahimbing ang tulog ng Matandang Panauhin
Sa banggera ng bangka; ginising ko Siya.
Hindi po Kayo nababahala sa daluyong
At sigwada ng kalikasan? Malulunod
Tayo at marami akong anak.

Bakit? Ginigising ka ng kulag at takot?
Hayaan mo ang hanging tayo ay dalawin.
Tulad din iyan ng iyong mga anak
Na sa kanilang Ama ay masiglang sumasalubong.
Manalig ka at hindi tayo malulubog.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: