Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 12, 2007

Dalawang Tula

Pag-ibig sa Takipsilim

Hakbang ko’y nalimutang
Bilangin noong araw.
Disi’y hindi namnaglaw
Ang napagal kong buhay.

Subalit ang kulimlim
Ng isang takipsilim
Ay laging dumarating
At handang salubungin.

Mugto ang iyong mata
Nang una kong makita,
Ramdam kong ang pag-asa’y
Wala nang kaluluwa.

“Ang nagdaang kahapo’y
Madilim tinalunton
Tuwing darapithapon.”
Ang mahina mong bulong.

Kamay mo’y aking hawak
At sabay na nilandas
Ang banaag ng bukas,
Sabay ding humalakhak.

Mga Bubot na Pangarap

Tatlong bata ang nakatanaw sa kalangitan.

Binilang ko ang bituin kagabi!
Ako, tiningnan ko ang buwan!
Ako, sinundan ko ang bulalakaw!

Hindi nagkasiya sa aking daliri.

Isang sulyap ko lamang.

Mabilis ang pagbulusok.

Pinalo ako ni amba, masama raw magbilang ng bituin.
Ako, pinagalitan ni ama,baka raw tumaob ang bangkang buwan.
Magtago raw ako sa silong ng bahay, ang bulyaw ni inda.

Ilalagay ko sa ulo ang aking bituing binilang.
Sasakyan ko ang buwan sa aking pagliliwaliw.
Sisindihan ko ang aking napulot na bulalakaw.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: