Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2007

Entry for November 11, 2007

Rosaryo Ng Mga Alalahanin

(Featured 10 Tanaga Poems out of 50 Poems for Giant Rosary
to be installed at Neo-Angono Artists Collective
Public Art Festival November 20-22, 2007)

1

Diyos Amang lumikha,
Iligtas Mo po ang ka’pwa
Ko uring manggagawa
Sa lahat nang masama.

2

O, Birheng minamahal,
Sa anak idampulay;
Paglihis sa karimlan
Ng libong kasalanan.

3

Ay! Hesus, Hesus, Hesus,
Ako ay inaantok;
At sa aking pagtulog
Ikaw ang aking kumot.

4

Inang Birhen sa langit,
Huwag Mong ipagkait;
Banal na bungang isip
Kung ako ay maidlip.

5

Mahal na Diyos Ama,
Paggising sa umaga;
Bendisyunana ang mata
Nang tukso’y di makita.

6

O, Poong minamahal,
Sa gawai’y igabay;
Upang di masugatan
Ang tiyang kumakalam.

7

O, Ama kong dakila,
Patawarin sa lisya
Ko at salang masama
Sa isip ko at kap’wa.

8

Kuwintas kong Rosaryo,
Ako ay ilayo Mo;
Sa mga espiritung
May angkas na demonyo.

9

Bawat butil na perlas
Ng Rosaryo kong hawak,
Gunita’y paghihirap;
Nitong Bugtong na Anak.

10

Aming Banal na Birhen,
Iyong alalahanin;
Kaydaming dumalanging
Rosaryo Mo’y maangkin.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: