Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 7, 2007

Buwena Manong Walang Bayad

Si Sidra ay isang magandang dalaga,
Magtindang kakanin sa bangka ang obra;
Maraming binata ang nahahalina
Dahil sa tinda n’yang masarap talaga.

Minsang may dumayong matikas, binata,
Agad nasulyapan si Sidra sa bangka;
Bumili ng tindang niluto sa gatang
Siya’ng b’wena mano’t ang tingi’y halatang

Narahuyo siya at mata’y namungay,
Tila nagsasabing: “Ako ay ligawan…
At kung manliligaw, di pababayaran
Ang buwena manong tinda kong ginatan.”

Tighim ang narinig sa binatang dayo,
Tatango-tango pang hawak ang sumbrero;
Tila nasarapan hanggang makatatlong
Order ng masarap gatang bilobilo.

Si Sidra’y nagulat sa biglang salita
Nitong si adonis na dayong binata:
“N’yarap n’yan n’yuto n’yo m’wedeng i’a pa nga!”
Bagsak ang pangarap ng dalagang mutya.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: