Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 6, 2007

Uran (Ang May-ari ng Jolibee at McDo)

Walang nag-utos sa kaniya kundi hirap.

Paggising sa umaga’y ni hindi humigop ng kape,
Kukunin ang kupas na t-shirt sa sampayan;
Susungkitin ng daliri ng paa ang de sipit na tsinelas
At lalakarin ang parking area ng Jolibee,
McDo o kaya ay Greenwich.

Isesenyas sa darating na sasakyan kung saan paparada.
Senyas lang ng kamay ay balaning nagkakaintindihan
Ang drayber at siya.

Sisigaw ng: Atras! Abante!
Sabay abot sa kamay ng drayber na may sinsilyong tangan.

Nakangiti ang kaniyang pagod sa paroo’t parito
Sa paglalakbay ng maghapong ang pagsenyas ng kamay
Ang ginagamit na silbato.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: