Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 30, 2007

Minsang Nagkubli Ang Buwan

Binibilang ko sa kaniya ang buwan bawat gabing nagmadali,
Dalawa sa mata at isang ubod ng liwanag sa haliking labi;

Dalawa ang hawak nang nakahalukipkip na lipaking palad
At tatlo ang nakahilera sa ibabang ang sakong ang nakayapak.

Isinilid kong isa-isa sa himutok ng nababalisang dibdib
At marahan ko itong binulungan: “Kailan babalik

Ang aking minamahal na Langit?” Subalit naturete
Ang diwa ko sa walong buhol na pangungusap. Nagkubli

Ang walong buwang binilang ko sa nagdaang magdamag,
Ayaw ipakita ang malaon kong asam na liwanag.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: