Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 30, 2007

Hindi Ako Makadadalaw Sa Iyong libingan Ngayong Undas Itay

Hindi ako uuwi ngayong undas itay.
Alam kong magtatampo ka na naman;
Dahil noong isang taon ay hindi kita nadalaw
At di naipagtundos ng kandila sa iyong libingan.

Ngunit kayo po’y magsaya… saan man naroon,
Dahil ang salaring sa inyo’y pumaslang noong isang taon
Ay pinagbayad ko sa dulo at lupit ng kanyon.
Kaya po sa ngayon ako’y nakakulong.

Huwag po kayong mag-alaala,
Marami pa pong katulad ko dito sa selda
At hindi ako nag–iisa;
Sa daloy nitong aming pakikibaka.

Magpapa-alab po kami dito sa kulungan ng kandilang
Galing sa pinatuyo at pinatigas naming mga luha.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: