Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 30, 2007

Ayaw Kong Magising Sa Kaligayahan (Litanya ni Lorie)

Nalulungkot ako…
Pinanghihinaan ng loob…
Tuwing umuuwi ka sa inyo….
Tuwing pag pasok mo sa inyong bahay
Ay nag-aalala akong baka ikaw naman ang mauntog
At magising mula sa isang malalim na pagkakatulog.

Katulad rin ng lagi mong sinasabi sa akin na minsa’y sumasagi
Sa iyong isip na paano kung ipaghele kita

At

Ibag

sak

Bigla

Sa iyong pagtulog?

Gayon din ang aking pakiramdam….
Paano kung ibalik niya ang dating pag kalinga
At pag-aasikaso sa iyo?

Sa isang kondisyon na uuwi ka sa oras tulad ng dati at iiwan ako…
Paano kung bumalik sa dati ang inyong samahan?
Tulad ng nais mong mangyari?

Kung magkakagayon,
Hindi mo na ako kailangan sa iyong buhay….
Ibabagsak mo rin ba ako mula sa isang mahimbing na pagtulog?
Itatapon mo ba akong tulad ng isang basahan?

Hawak mo ang aking kapalaran…
Tulad ng isang laruang manyika….

Saan ba ang aking kahahantungan?
Sa eskaparate,
Sa sala,
Sa kuwarto,
Sa iyong tagiliran
O sa basurahan?

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: