Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 29, 2007

Doon Po Sa Amin (Fake Ang Pulubi)

Doon po sa aming Barangay Pantotse,
Ugaling manloko ng tatlong lalake;
Lalabas ng bahay tig-iisang bote’t
Ito’y palalagyan sa may tindang rugby.
Naku po! Mag-ingat sa inyo pong kalyeng
Gagapang kunwaring bulag na pulubi.

Nanganta’y pangal’wang paungol ang himig,
Gamunggo ang pawis di makali ang p’wet;
O, o, lang patinig ang sones ng awit
Nang dahil sa rugbing sa bibig nadikit.
Ganting pasalamat sa baryang naghagis,
“O, salamat manang.) (Umid ang hagikhik.)

Pangatlong lalake may bangkis ang paa’t
Iika-ika pang mabigat ang dala,
Luluhod kunwari’t may luha sa mata;
Ang pabigat palang ‘dinikit ng kola’t
Yapak-yapak niya’y sa bapor na angkla.

Kayo ay mag-ingat kumare’t kumpare
Sa tatlong lalake na fake na pulubi.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: