Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 25, 2007

Kay Alamid ng Disyerto

He he, kay-galing manalag,
Nitong lalaking mabikas;
Na nasa ibayong dagat
Na ang “Pagong” pa’y matikas.

Hindi naman ganu’n Igan
Ang nais pakahulugan,
Baka lamang kako,laban
Sa ruweda’y malimutan.

Itagis mo ito gabi-
Gabing ikaw’y umiire,
Pagkatapos mong tumae’y
Laruin mo ang “Salbahe.”

Idudura kong agimat,
Asahan mo pag lumuwas
Ka ay maisasapalad;
At tiyak kang magugulat.

Dahil ang idudura ko,
Ang birtud ng ipuipo;
Na mabilis sumapupo
Ng dal’wang malaking suso.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: