Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 19, 2007

(3 Tula)Ang Tagilid Lumakad na Talangka sa Rondel ni Joma

Bakit Tagilid Lumakad Ang Talangka

Ang ama daw nila ay may disiplinang
Ipina-iiral sa kanyang pamilya,
Titing pagkasala’y grabeng magparusa’t
Lahat nang kapitan, inihaharumba.

Sa haplit ng lupit na lintik ang sakit,
Kaya kung lumakad ay nakatagilid;
Dahil sa ang turo ay laging kumapit
Hilahing pababa ang bawat kapatid.

Ugali at asal ilang Pilipino,
Masarap dumakdak at laging aktibo;
Higit kung siya ay trapong pulitiko
Nakaw-hila’y kaban nitong Bayang Bangko.

Tagilid ang lakad nitong alimasag,
Dahil sa mabigat ang tiyang nabundat.

Ang Hunta Kay Joma

Tayo ay magpunta
Sa huntahang Joma,
Na may bintang salang
Traydor sa kasama
At dating kap’wersa.
Nakulong sa selda’t
Hatol ay binasa—
Napawalang sala.
Sa Pinas, nag-alsa
Ang kasanggang masa,
At ang sigaw nila:
Mabuhay si Joma!
Si Jambyng maganda,
Isang Senadora;
Sabi’y idemanda
Si Panggulong Gloria,
Igawad! Sentens’ya!
Kasamang ipila,
Sa krus ay idipang
Sa ‘taas ang paa.

Nang Minsang Mamingwit Sa Balong Pag-ibig
(Tulang Rondel)

Nang minsang mamingwit sa balong pag-ibig,
Galay ko’y nabakli pagsagpang ng puso;
Agad ibinangkis ang hiblang sinulid
Upang ang bingwit ko ay muling mabuo.

Sinagu-saguna’y ulang walang patid,
Dahil kumikibit ang kawang makabo;
Nang minsang mamingwit sa balong pag-ibig
Galay ko’y nabakli pagsagpang ng puso.

Wala na ang ulang patak ay mabugso’t
Walang aboabo sa buong paligid,
Kay-sarap damahin hanging buhat langit—
Nang minsang mamingwit sa balong pag-ibig;
Galay ko’y nabakli pagsagpang ng puso.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: