Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 18, 2007

Hinlalagak (Utong Kalabaw)

Hinggiw na matatag, salabat sa gubat,
Ito ang umusbong na ligaw na prutas;
Nais mamalumpong na animo’y ahas
Lungting dahon nito’y may bahid ng kislap.
Ang puting bulaklak ay isang orkidyang
Laging namumukod. May hatid ng saya,
Aliw ng damdamin ang utong na bunga;
Gilaplap mang ibon ay nahahalina.
Ang sarap ng gubat dito ay sumiksik,
Kay-tamis na ligaw sa bubot kong isip.

Ang hinlalagak ay isang uri ng ligaw na prutas
partikular sa pulo ng Talim na hugis utong ng kalabaw.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: