Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 17, 2007

Hindi Ko Bubuklatin Ang Pahina Ng Iyong Kasaysayan

Hindi ko bubuklatin ang huling pahina ng iyong kasaysayan,
Dahil ilalaan ko ang aking mga titig sa iyong paglalayag.

Hindi ko babasahing lahat ang pahina ng iyong kasaysayan,
Dahil gusto kong ako ang maglapat ng magiging wakas

Hindi ko tatapunan ng sulyap ang pabalat ng iyong kasaysayan
Upang manatiling sabik ang aking sariling iba ka sa lahat.

Hindi ko itatago ang iyong kabuuang kinakapitan nang alabok,
Upang magtandis ka sa mga siphayong sa iyo ay lulukob.

Hindi ko ipakikita kanino man ni isang titik nang tinagipos
Mong pahina, upang walang makabatid na wala kang tuldok.

Hindi nila makikita ang iyong pahina sakaling ihandog
Ang munting kahilingang: Mahalin mo ako ng bukal sa loob.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: