Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 14, 2007

SANDANGKAL NA LIWANAG NG KALAYAAN

Sinisinip ka ng hamog nililingkis, niyayakap,
Sa umagang ang bintana’y naghihikab ang liwanag;
Nasususot yaong kumot at baldosang nakalatag
Sa lamparang umaandap pagkasaid nitong gaas.

Natutungkab ang naglangib na rehas mong sinadlakan,
At kung minsa’y di masilip ang init ng haring araw;
Ni ang huni nitong maya’y di marinig itong dayaw
Pagkat sila’y nalulungkot sa liwanag na mapanglaw.

Ulinigin mo ang odang iniangkas ko sa hangin,
Ang dayaray ay tahimik pumayapas sa ‘yong karsel;
Hinahagod ang ‘yong hapis at pilit kang inaaliw
Upang ikaw ay sumigla paglilim ng takipsilim.

Hintayin mo ang sandangkal na liwanag sa Silangan,
Makikitang nakaangkas ang sambuntong kalayaan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: