Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 10, 2007

Talulot ng Apoy sa Pulo ng Talim

Isang paraisong bigay ng tadhana sa kulumpong kawan,
Sigasig ng bulkang dumura ng apoy sa dakong silangan;
Saboy ng liwanag pusikit na gabi’y umilambo’y lahar
Tumitig ka Ayel** sa aalagaang kabangkis si Amal*.

Walang hulas-putal tikatik at ampyas ng bandilang bubog,
Sinikwat, hinablig, amiha’t habagat at kusang bumuyog;
Dumampi sa lupa kumislot ang labi sa pagkaka-irog
Sumanib ang darang bagang may lagablab sa dakong balugbog.

Ang gula-gulanit bandilang wagayway kinupot nang hangin,
Bumalong sa butas nang sumargong apoy hukay na malalim;
Nagpatiyad-tiyad at nang-iingganyong papagtampisawin
Ang duming sumabog sa bulwak ng apoy lawang sisinupin.

Aayaw matulog ng gabing pusikit hinintay ang hamog,
Yumapos sa daho’t kumanlong magdamag saka mahuhulog
Sa lupang tilamsik na dulot ng ningas ngalit ng indayog;
Pagbukang liwayway inyong asaruling kapiling ang pagod.

Hagad ang panahong pagtatakipsilim may sulyap ang aliw,
Apoy na nagliyab, kumalat, lumatag ang yutang dalangin;
Sa lupang natimbon tumayog na bundok ulap ang tumabing
Matalim na punyal ang kawangis nitong may pagkakahambing.

Talulot ng apoy nagliyab sa parang ang dapog-kalanan,
Dinilig ng batis nagwisik ang talong lumago’t gumapang
Ang mga antigong sumuno’t kumanlong sa hugis balaraw;
Pulong sakdal rikit na ang nakahimpil ay liping marangal.

Amal *amang lawa
Ayel **inang lawa


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: