Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 10, 2007

DALAWANG TULA NI TATA

GURLIS NG KAHAPON

Kay-inam balikan, ating kamusmusan;
Binubuntis tayo, pagal na tag-araw.
Walang di naakyat doon sa hanggahang
Nangagkukumpula’y bungang manibalang.

Merong sinigwelas, papaya at duhat,
Atis, mangga, bignay, bitungon at kagat
Ng samuki’t lamok. P’wera pa ang hampas
Ni lelang ng patpat sa puwit na lipak.

Ngunit nagbabadya ang bagong panahon,
Mahahabang gurlis ng ating kahapo’y
Mga alaalang lansakang naputol—
Mula’ng gumaralgal ang surutsong motor.

Tag-araw na naman, di ako uuwi
Ngayo’t karagdagan sa ‘king dalamhati.

PAGLIPAS

Aanhin ko ang regata’t layag
Kung walang humihihip na habagat.

Aanhin ko ang bikilang bagwis
Kung madawag ang usok sa himpapawid.

Aanhin ko ang sinag ng araw
Kung ang dalawang retina’y walang natatanaw.

Aanhin ko ang makapal na kumot
Kung hindi katabi ang sinisintang irog.

Aanhin ko ang Kolganteng garing
Kung walang ilulutrinang banal na Birhen.

Aanihin ninyong lahat ang hasik kong punla,
Sa gintong panahong ako’y mawawala.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: