Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 9, 2007

DALAWANG TULA NG PAGMAMAHAL

SAAN KA UUWI SA IYONG PAGBABALIK

Bukang liwayway,
Umuulan nang malakas
Kasabay ang iyong pagluha.
Aalis ka bukas at hindi mapipigil.
Sa nagtutubig na kanal ako nakatitig.
Kasamang umagos ng maitim na tubig
Ang aking dalamhati.
Nais kong yakapin ka at itanong
Ang kalituhan ng aking kalungkutan—
Upang ipaubaya sa iyong damdaming
Mapag-isipan, timbangin at husgahan
Ang pintig ng pagaw kong kudyapi.
Lilisan kang walang katugunan
Itong bulong ko at pagtatanong:
Saan ka uuwi sa iyong pagbabalik?

AKING DUNGGOT*

Marami na akong dagat
Na pinaglayagan, iba
Ka. Ilog kang bula’t kagyat
Na humihibas kapagka

Malalim ang gabing hikbing
Umiyak ang hapong puso.
Malalim kang balong hindi
Nakatikim na lumabo

Ang tangaring kristal-bubog .
Lawang di mapamangkaan
Ninuman ang ‘yong alindog,
Lumunod sa aking bulay

Bago sang-ayunang hulog
Ka sa ginaurang lunday.
Ititimbol kitang puspos
Ng halakhak ang buhay.

* tangos o dulo ng pulo


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: