Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 5, 2007

MAY TALA SA UMAGA

Sa aking pagmulat sa pagkakahimbing,
May natanaw akong maningning na bitwin;
Nahintakot akong mata’y ibinaling
Subalit may boses na tumataginting.

“Huwag kang matakot sa iyong nakita,
Ako’y ningning Oriong tala sa umaga;
Napag-alaman kong luhaan ang mata
Ng iyong kimkimimg tapat na pagsinta.

Hayo at bumangon sundan mo ang tala,
Habang may sinag pa’y umusal ng wika:
Iyakap sa puso ang himok paglaya
Upang makapiling ang Nimpa’t Diwata.

Sakaling maganap ang pamasyong hiling,
Muli kang matulog na walang sagimsim.”


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: