Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 2, 2007

Isang Bukang Liwayway

Nakapamihasnan ko na tuwing bukang liwayway
Na ang aking buhok ay sinasabukay.
Nasasalat ko, nauupaw ang aking anit;
Dahil nalalagas at sa daliri’y sumasabit.

Ilang hibla na kaya ang kumapit sa sagwan
Kong nakatengga sa banggera ng aming bahay?
(Minsan nga, nakikitaan ko na nang ilang uban.)
Naalaala ko noong may kidlat at buhawi sa amihanan,

Apurahan kong idadaong ang bangka at isasagwa
Sa banig ng lawa upang manganlong sa gilid
Ng lungking lambak. Alam ko, kabuntot sa himpapawid
Ang daluhong ng humahagunot na unos ng amihan.

Tiyak, pagsusog ko ng umang na lambat langkawas ang yangkaw.
Mahirap talagang magising kapag bukang liwayway.

Soneto ni Tata Raul Funilas


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: