Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 9, 2007

Nang Muling Bumukad Ang Talulot

NANG MULING BUMUKAD ANG TALULOT

Aking nakikitang muling bumubukad

Ang munting talulot sa hardin ng rosas,

Dahil sa ang hamog sa lipas-magdamag

Ay nag-uunahang dito\’y pumapatak.

May puti,may dilaw,may rosas at pula,

Na nagpapasigla sa kambal kong mata;

Tuwing makikita sa dakong umaga\’y

Nagiging sariwa ang aking hininga.

Nang minsang pumitas sa tangkaying tinik,

May narinig akong tila humagikhik;

Na isang talulot at gustong magsambit

Na pulakin lamang ng tanging inibig.

Rosas ang pinili ng maselang kamay

Sa plurerang puso\’y aking ini-altar.

Awit ni Tata Raul Funilas!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: