Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 18, 2007

Ang Ilong ni ka Alex

Tagalinis ng tanggapan namin si ka Alex.
Balisaksakin ang hitsura at ang kutis
Ay kayumangging kaligatan. Naiinis
Siyang lagi sa tukayo niyang si Mang Alex,
Dahil ubod ng puti ang balat at kutis;
Lapitin pa ng mga babae, kaya naiinis.

Minsan, naglililok ako ng isang obra
Sa bukana ng hardin ng aming opisina,
Itong si ka Alex na balisaksakin ang hitsura
Ang pinagparisan ko nang ginawa kong obra
Lahat ay natawa, liban kay mang Alex na taga opisina,
Dahil ang ilong ni ka Alex ang nagaya kong hitsura.

Pumanaw na si ka Alex noon pang nakaraang taon,
Naroon sa hardin ang obra. Palagay ko ay taon
Ang bibilangin para masira ang nagkamatis na ilong
Dahil sementado at may patigas ang kaniyang ilong.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: