Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 9, 2007

Mahal Mo Ba Ako Talaga

Mahal Mo Ba Ako Talaga

Marahil, magtataka ka sa akin ngayon Mahal,
Ang tinig ko’y magaralgal ang paglutang
Habang ikaw’y tinatanong: Ako ba’y nagsalawahan?
Ako ba’y nasa rehas na lagi mong kinakalkal
Libag ng aking katauhang di ka naman pinaglihiman?

Marahil, hindi pa hinog ang itinago nating pag-ibig
O, alinlangan ka pa sa aking pagkatao’t pananalig.

Bakit lagi kang nagseselos? Nahihilo
Ang aking ulo! Pasan ko na ba ang mundo?

Akala ko’y matatanggap mong isa akong makata,
Kahit anong pagkatao’t di kabilang sa dakila;
O, talagang pagmamahal ko’y walang isang salita?


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: