Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 6, 2007

Daluyong (Villanelle)

Humahaginit ang amihang buhat sa matayog na bundok,
Lumilitaw ang kawiting palakol sa ningas ng kidlat;
Kailangan kong maikalat ang palakaya sa laot.

Hinalikwat ko ang sagwan at ang panibog palipod,
Sabay nilabit ang kanyutong may lamang arganas;
Humahaginit ang amihang buhat sa matayog na bundok.

Tinungo ko ang aplaya at paspasang ibinunsod
Ang lunday na luma na sa kayangan ay naaagnas,
Kailangan kong maikalat ang palakaya sa laot.

Padambang sinalunga ang dumadaluyong na unos,
Habang walang patlang ang pawis na pumapatak;
Humahaginit ang amihang buhat sa matayog na bundok.

Isang humbak na alon, sa lunday ko’y nagpataob,
Hinagilap ang panibog palipod at agad naglimas;
Kailangan kong maikalat ang palakaya sa laot.

Walang nagawa ang lakas at ang sumagila’y takot
Sa daluyong na ang aking piping adhika ang tinahak.
Humahaginit ang amihang buhat sa matayog na bundok,
Kailangan kong maikalat ang palakaya sa laot.

Hulyo 7, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: