Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 5, 2007

Sa Paghuni Ng Kilyawan

Madalang dumayaw ang kilyawan sa simbahan
Noong hindi pa nahuhugisan ang Kurus
Sa ibabaw ng kampanaryo. Nang mapintahan
Ang Tanda ay nagsimulang humuni at tagos

Sa puso ko ang silindruhing sonata ng himig.
Minsa’y bumabalik sa aking isipan ang alaalang
Ibinaon na sa limot.Isa akong dating mag-aawit
Sa koro ng simbahan, lalo na sa harap ng misa.

Noon,walang kilyawang dapo sa Kurus ng simboryo,
Dahil ang alingawngaw ng kampana ay nakatutulig;
Kahit nasa kabilang gasa ng kalsada ang mga tao
Subalit ngayon, humihilis ng pag-ibig ang tinig.

Kampanang dilaw ang nagkumpulan sa aking puso,
Lantay na gintong pinasibol ng kaniyang pagsuyo.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: