Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 4, 2007

Tatlong Tula Ni Tata

1. Buhat Sa Bansang Hapon
(Ang Sedoka-Tanka)

Ang Hapon ang nagpauso
Nitong tulang nangingganyong
Gawin at nang makatukso
Sa nagmamakatang tao.
Elising humalubilo’t
Dagsang namberso’y natuto.
O, balangkas ng dayuhan,
Kamitin mo ang tagumpay;
Ang batisa’y laging bukal
Tula nitong inyong bayan.
Antigo mong kasuotan,
Nawiwiling ibanyuhay—
Kami ang s’yang magtatampok
Ang tinig mo’y maging hambog.

2. Huntang Kahayupan

Isinisingkaw kay Kalakian
Yaong pamatok. Hila’y araro
Magha-maghapon sa kabukiran;
Ng may makain ang kanyang amo.
Pinakakain ang asong bantay
Ng matitigas na tirang buto,
Upang lumakas, walang magnakaw
Sa mayayamang bundat na amo.
Hiya,hiya ho, ang wikang bitaw
Sa hinahampas nitong kabayong
Kinakalesa sa gasang daan
Ng tampalasang kutserong amo.

Dapat mahalin ang mga hayop
Ng mga among ang ugali’y hayup.

3. Tigib Ng Ngiti Ang Bangka Ni Tatay
(Bombay (5/6) Ceasura)

Isang umaga may biglang sigwadang
Pinababangon ng hangin ang alon,
Nagtutumiyad patungong aplaya’t
Rumaragasa ang rolyong paggulong.
Minsan ay tulog upang mamahinga
Ang agos-anlog na pagal maghapon.

Sa gawing Timog, kalmante ang dagat.
Umang ni tatay ay pante’t bukatot,
Sa palakaya’y kislot-pumupusag
Ang pumaloob sa diamanteng hubog.
(May itatakal na huli magdamag
Sa Sakadorang hirati sa tumpok.)

Tigib ng ngiti ang bangka ni tatay—
Habang ang braso’y dambang sumasagwan.

UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: