Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 2, 2007

Apat Na Tulang Sedoka ni Tata

Mga Tulang Sedoka

Bosero

May matang k’wago
Ang isang maninilip
Sa butas ng kubeta.

Lasong asido
Agad ang iwinisik
Sa butas na may mata.

Himala

Galang ang buwan
At bituin sa langit,
Lumuluhod ang lamlam.

Sa taluktok Banahaw,
Kidlat ay pumipisik;
Balana’y nagdarasal.

Kambal Na Mukha Ng Tao

Sipa at tadyak
Ang tanging gantimpala
Ng taong tampalasan.

Pagsintang wagas,
Walang pag-alipusta
Sa taong magagalang.

Bulebard

Dewey bulebard
Ang paraisong lugar
Ng taong lumilipad.

May lumiliyad
Na ibong kumakaway
Ang malantik na palad.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: